Tuesday, 10 July 2012

2 PH Azkals, hahatulan na

Nakapagdesisyon na ang Philippine Football Federation hinggil sa isinampang reklamong sexual harassment kontra sa dalawang miyembro ng pambansang koponan na sina Lexton Moy at Angel Guirado ni dating Philippine Olympic Committee president Cristy Ramos.


Gayunman, sinabi ni PFF secretary general Atty. Rolando Tuyay na kanila nang isinumite sa Disciplinary Committee ng Asian Football Confederation ang kanilang rekomendasyon para sa pinal na desisyon hinggil sa insidente na naganap bago ang friendly match ng Pilipinas at Malaysia noong Pebrero 29 sa Rizal Football Stadium.
�It is already submitted to the AFC Disciplinary Committee for resolution,� sinabi ni Tuyay. �We will be waiting for their decision and wait and do what we will be to the best of our players.�

Una nang nagreklamo si Ramos sa Chairman ng AFC Disciplinary Committee na si Mr. Lim Kia Tong hinggil umano sa pambabastos dito ng dalawang miyembro ng Azkals Philippine Men�s National Football team.
Ang reklamo ni Ramos sa dalawa ay naganap habang ang una ay nagsasagawa ng team check bilang itinalagang match commissioner para naman sa itinakdang friendly match sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia.

Ipinaliwanag ni Ramos na bilang match commissioner ay responsibilidad nito na mag-inspeksiyon kasama ang iba pang opisyal sa mga koponan bago ang laro upang maberipika ang kanilang pagkikilanlan at maging ang accreditation cards at masiguro kung maayos ang kanilang mga kagamitan.

Nauna naman nagbigay babala si Ramos bilang isang babae na mamamahala sa laban na, �I would give the teams sufficient warning and preparation time before I would come inside their changing rooms to do the team check together with the Fourth Official, Mr Wilfredo Bermejo,� subalit nangyari pa rin ang pambabastos.

Base sa sulat ni Ramos ay ikinuwento nito na, �As I called the players individually so that we could check their accreditation cards and kits, Philippine player LEXTON MOY (no. 25) stood by my right side and said in a loud voice `Must be a B cup,� to which the players laughed loudly. As I was the only female in the room, he was apparently referring to my bra size. He could not have been talking about men�s athletic cups, as their sizes are specified as extra-small, small, medium, large, and extra-large vis-a-vis cup sizes of women�s brassieres, which are specified in letters. Additionally when I checked Philippine player ANGEL GUIRADO (no. 12) he stood in front of me purposely just wearing his briefs and made no attempts to wear shorts or cover his underwear. Again, the players loudly laughed while I was checking this player.�


Kung mapapatunayang nagkasala ay posibleng maharap sa pagka-ban o mahabang panahon na suspensiyon ang dalawang manlalaro base sa batas ng international governing body ng football na FIFA. � Angie Oredo

balita.net



No comments:

Post a Comment