Sunday, 27 November 2011

Weiss sisibakin na? (Weiss to be replaced ?)

MANILA, Philippines - May posibilidad na mag�kakaroon ng bagong German coach ang football team ng bansa.

Ayon sa mga mapagka�katiwalaang impormante, di nagustuhan ng pamunuan ng Philippine Football Federation (PFF) ang di ma�gandang ipinakita ng Junior Azkals sa katatapos na 26th SEA Games na minandu�han ni German coach Michael Weiss.

Isang panalo lamang sa limang laro ang nakuha ng koponang binuo ng higit na nakararaming Fil-Fo�reigners. Pinakasamakit na pagkatalo ay nalasap sa Timor Leste sa 2-1 iskor.

Inako naman ni Weiss ang reponsibilidad sa di ma�gandang kinalabasan ng kampanya sa SEA Games na kung saan mismong ang team manager na si Dan Palami ay naunang naniwa�lang palaban ang team sa bronze medal.

Kinuha man ang res�pon�sibilidad ay hindi rin na�pigil ni Weiss na sabihan ang mga taong may ipinukol na mataas na ekspektasyon sa koponan na hindi pa na�rarapat ang ganitong pag�titiwala sa koponan.

�We were going against teams that has been playing together for years,� wika ni Weiss.

Hindi rin niya alintana ang mga ugong-ugong na balita sa napipintong pag-uwi dahil may mga pinaplano siyang programa sa Azkals na sasabak sa AFC Challenge Cup sa susunod na taon.

Pagdalo sa mga trai�ning camps sa Gulf Area at Japan bukod pa sa mga friendly matches ang nais niyang gawin sa Azkals upang mas mahubog ito para sa mala�laking torneo sa 2012.

Kasalukuyang nasa ban��sa si German coach Eckhard Krautzun para tulungan ang Philippine Football Federation (PFF) na bumalangkas ng 8-year grassroots program at ito umanong pinakiusapan ng PFF para hilingin sa German Football Association na magpadala ng bagong coach sa Pilipinas.


philstar

No comments:

Post a Comment