Sa harap ng kumakalat na balita ng pagkakadawit ng apat na Azkals sa panggagahasa, ngayon ay lumutang na ang babaeng tinutukoy diumanong biktima.
Naglabas ng sama ng loob ang modelo matapos diumano siyang alisin sa special segment sa 100 sexiest women show ng isang men's magazine ngayong gabi.
Ito'y matapos siyang tukuyin sa Internet na sangkot sa kontrobersyal na insidente kabilang ang manlalaro ng Azkals.
Ayon sa abogado ng modelo, hindi pa raw nila napagdedesisyunan kung ano ang magiging susunod na hakbang.
Ayaw din daw nilang mabansagang gumigimik lang o sinisiraan ang buong team lalo�t batid nilang maraming supporters ang Azkals.
Ang malinaw ay nawalan ng trabaho ang modelo na inalis sa men�s magazine show.
Ayon sa modelo, kailanman ay hindi siya nagkomento sa mainit na isyu ng panggagahasa.
�I already referred that matter to my lawyer and he advised me not to be out in the open until we have studied the case thoroughly including all its ramifications. So for now, no comment on that issue,� sabi ng modelo.
Dahil sa negatibong isyu, naibuhos na lang ng modelo ang kanyang saloobin sa ispekulasyong napagsamantalahan siya.
�How do you feel kung nadawit ka or �yong anak mo or sister mo? So you can just imagine how I feel. Kapag na-rape ka mapu-prove mo ba kaagad sa akin iyon na na-rape ka? No comment on that,� sabi pa ng modelo.
Una nang itinanggi ng Azkals ang bintang.
Base sa social networking site na Facebook, isa siyang physics major ng University of the Philippines.
Sa harap ng kontrobersiya, nagpapasalamat ang modelo sa mga nakikisimpatiya sa kanya.
Pinanindigan naman ng Summit Publication na hindi sila ang nagtanggal sa modelo sa show.
Pinag-aaralan naman niya ang mga legal na hakbang na puwedeng gawin patungkol sa isyu.
Video ABS CBN News
No comments:
Post a Comment